31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Quiapo Church naka-lockdown pa rin dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Nananatiling naka-lockdown ang simbahan ng Quiapo matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa kanilang mga pari.

Ayon kay Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, nagsimula ang lockdown sa simbahan noong ika-19 ng Hunyo na tatagal naman hanggang ika-4 ng Hulyo, Sabado.

Paliwanag ni Fr. Badong, bumalik ng Cagayan De Oro sa Mindanao ang nabanggit na pari noong ika-13 ng Hunyo at doon natuklasang positibo ito sa COVID-19.

Sinabi ni Fr. Badong, nagpasiya silang i-lockdown ang Quiapo Church bilang pag-iingat dahil dito aniya nanatili ang naturang pari magmula nang ipatupad ang mga community quarantine sa Metro Manila nitong mga nakaraang buwan .

Kaugnay nito, hindi na muna pinapalas ng simbahan ang mga kawani at iba pang pari ng Quiapo Church habang ipinababawal naman ang pagpasok at pagdalo ng sa misa ng mga tao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -