33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Quarantine Issue : Mayor Ng Iriga At ACT-CIS Congresswoman, Nagkaroon Ng Iringan

- Advertisement -

Nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang City Mayor ng Iriga at Congresswoman ng Act-CIS matapos na ang huli magkaroon ng PPE’s distribution sa mga frontliners sa lungsod noong nakaraang araw.

Ayon sa nakalap na balita ng Radyo Ronda, pinag-kuwestyon ni City Mayor Madel Alfelor-Gazmen ang di pagsunod ni Cong. Niña Taduran ng ACT-CIS sa sinusunod na health protocols lalo na ang pagsailalim sa 14 days quarantine ng lahat na pumapasok sa Lungsod na inalmahan naman ng huli.

Cong. Niña Taduran

City Mayor Madel Alfelor-Gazmen

Nagkaroon pa umano ng iringan at nag-isnaban ang dalawa dahil sa pangyayari dahil sa paninindigan ni Taduran na siya’y negative sa covid-19 at konsideradong APOR na di na kailangan pang sumailalim sa quarantine.

Sa kasalukuyan patuloy pang hinihintay ng Radyo Ronda ang opisyal na pahayag ng dalawa, samantalang hati ngayon ang posisyon ng publiko tungkol dito.

Una ng napabalita na di-umanoy may planong tumakbo sa pagigin mayor ng lungsod ang congresswoman kung saan siya’y prominenting taga Iriga.

 

M. Barayoga

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -