34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Quadrant 4 ng New Bilibid Prison binulabog ng pagsabog — Eleazar

- Advertisement -

Patuloy ang paggalugad ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamamagitan ng kanilang mga K9 Bomb Sniffing Dogs sa kung may natitira pa bang mga pampasabog o bomba sa Quadrant 4 ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay NCRPO Director P/MGen. Guillermo Eleazar, sinasabi na ang pinangyarihan ng pagsabog sa Quadrant 4 ng New Bilibid Prison ay dating inookupahan ng mga teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf, Maute ISIS, Rajah Solaiman Group, Jimaah Islamiya at MILF.

Nangyari ang pagsabog sa nasabing lugar alas diyes kaninang umaga (10 am.m.) habang nagsasagawa ng demolisyon sa Quadrant 1 ng mga iligal na istruktura sa lugar kung saan, nabatid na isang Improvised Explosive Device (IED) ang pinagmulan nito.

Mula sa isinasagawang paggiba sa mga iligal na istruktura sa loob ng NBP, sinabi ni Eleazar na may mga nakuha pa silang dalawang granada at dalawang blasting caps sa loob ng nasabing shanties.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -