29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Q.C. LGU iimbestigahan ang insidente ng pambubugbog sa isang fish vendor dahil sa umano’y paglabag sa ECQ

- Advertisement -

Magkakasa ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan ng Quezon City kaugnay sa viral video na pambubugbog ng ilang otoridad sa isang lalaki na umano’y lumabag sa enhanced community quarantine (ECQ).

Batay sa kumakalat na video sa social media, makikitang nakapalibot at pinagbubugbog ng mga otoridad sa isang lalaki na walang suot na face mask, bago dakipin.

Ayon sa Kamuning Police Station 10, isang barangay tanod ang humingi ng tulong sa mga pulis noong Lunes, Abril 27 kaugnay sa isang 38 taong gulang na lalaki na kinilalang si Michael Rubia na pagala-gala sa barangay South Triangle ng walang face mask.

Anila, nagtangka umanong tumakas sa mga otoridad si Rubuia nang hanapan nila ito ng quarantine pass.

Hindi naman nabanggit sa report ang insidenteng pambubugbog na nakuha sa video at kumalat sa social media.

Samantala, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na sasampahan ng kaukulang kaso ang sinomang dapat managot sa insidente.


Iginiit ng fish vendor na si Michael  Rubuia na wala siyang kasalanan sa kabila ng pag-gulpi at pag-aresto sakanya ng mga otoridad dahil sa umano’y paglabag nito sa quarantine protocol sa barangay South Triangle, Quezon City nakaraang Lunes, Abril 27.

Ayon sa biktima, nagbabantay siya ng tindahan ng isda nang lapitan siya ng isang tanod para sabihin na bawal siyang magbenta sa lugar.

Aniya, wala naman siyang nakikitang nilabag na batas gayung naka face mask siya ng lapitan ng tanod dahilan rin aniya para tumanggi na sumama sa mga otoridad.

Dito na umano dumating ang iba pang tanod at saka siya binugbog dahilan para matamo ang sugat sa binti, gasgas sa braso, at pananakit ng ulo.

Ayon kay P/Lt. Col. Lucio Simangan ng Quezon City Police District Station 10, kanila nang iniimbestigahan ang naturang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -