Home Headlines Pulis timbog sa buy bust operation sa Taguig

Pulis timbog sa buy bust operation sa Taguig

0

Isa na namang pulis ang naaresto sa buy bust operations sa Bicutan Taguig City matapos itong ireklamo ng sarili niyang asawa.

Nagpositibo sa paggamit ng bawal na gamot si PO1 Jeffrey Amador na nakuhanan rin ng limang sachets ng hinihinalang shabu at baril.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nakakadismaya na nakakalusot sa kanilang hanay ang mga bulok na pulis.

Napag-alamang dating nakatalaga sa Police Community Precinct sa Taguig City si Amador at dati na rin itong nasangkot sa robbery extortion.

Maliban sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law, si Amador ay nahaharap rin sa kasong administratibo.

 (Ulat ni Gilbert Perdez)

 

 

 

Pulis timbog sa buy bust operation sa Taguig was last modified: August 16th, 2018 by Len Aguirre

Exit mobile version