Publiko huwag mag-panic buying sa mga face masks — DTI

Publiko huwag mag-panic buying sa mga face masks — DTI

by Powered by DWIZ
49 views

Pinapayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na huwag mag-panic buying sa mga face masks.

Ito ay matapos na makumpirma na may nagpositibo nang kaso ng 2019-novel coronavirus sa bansa, na ikinabigla at takot ng mga Pilipino partikular sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi dapat mag panic buying ang publiko dahil mayroon namang agarang solusyon pag nagkaubusan na ng suplay ng face masks, alcohol, sanitizer at iba pa.

Binabalaan naman ng kalihim ang mga nagpapataw ng mataas na presyo sa face masks na maari silang maharap sa overpricing.

Paalala ng DTI, hindi maaaring tumaas sa P8 ang presyo ng mga face masks sa merkado.

0 comment

Related Posts