31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Public Viewing Schedule Sa Dating House Speaker Noli Fuentebella Pinalabas Na Ng Pamilya

- Advertisement -

Iriga City — May pagkakataon pa ang mga kaibigan, mahal sa buhay, taga-suporta at kapartido ni dating Speaker Arnulfo “Noli” Fuentebella upang siya’y masilayan sa huling pagkakataon.

Matapos na magpalabas ng schedule ang kanyang panaganay na anak na si Cong. Arnie Fuentebella sa public viewing sa labi ng ama na gaganapin bukas at sabado mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi sa kanilang tahanan sa Brgy. Abu, Tigaon, Camarines Sur.

Ang mga bisita mula sa sakop ng 4th district ay hinati sa dalawang araw na schedule upang maiwasan ang siksikan, kasabay ng panawagan na sundin ang minimum health protocol.

Magugunita na matagal na halos tatlong dekada ring naglingkod sa bayan ang matandang Fuentebella, mala sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino bilang aasemblyman hanggang sa paulit-ulit na naging congressman ng 3rd district noon ng Camarines Sur at nahalal bilang house speaker sa panahon ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Huli siyang nagsilbi bilang kinatawan ng ngayon ika-apat na distrito ng lalawigan noong 2013 sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. (OIC Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Cong. Arnie Fuentebella)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -