PSG nais na sumailaim sa COVID-19 testing

PSG nais na sumailaim sa COVID-19 testing

by Powered by DWIZ
25 views

Nais ng Presidential Security Group (PSG) na sumailaim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ang lahat ng miyembro na gabinete na dumalo sa pagpupulong sa Malacañang noong  Lunes, Marso a 23.

Ito ay matapos na mag positibo sa COVID-19 si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na present sa nasabing pag pupulong.

Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante III, mariin nilang inirerekumenda ang pagsailalim ng lahat ng mga nakasalamuha ni Yap sa pagsusuri.

Kung isa man aniya sa mga cabinet members ang mag positibo sa virus, dapat lamang na sumaulalim mula sa COVID-19 test si Pangulo Rodrigo Duterte.

Matatandaang una nang nag negatibo sa COVID-19 si Pangulo Duterte matapos na magpa-test nito lamang Marso 12.

0 comment

Related Posts