Radio Philippines Network
DXDX GenSan News Provincial News

PRO 12, NAG-IIKOT PARA ISARA ANG MGA LOTTO OUTLETS

Nag-ikot sa kasalukuyan ang mga personahe ng Police Regional Office 12 sa pangunguna ni Police Brigadier General, Eleseo Tam Rasco, ang Direktor ng PRO 12.

Sinuyod ng grupo ni RD Rasco ang buong GenSan kahapon para mag-inspeksyon at ipasara ang lahat ng mga Lotto at STL outlets sa mga kumunidad maging sa loob ng mall upang masigurong wala nang nag-ooperate.

Nagdikit ng mga tarpaulin at sticker ang PNP na nagsasabing sarado at walang operasyon ang mga nasabing number game outlet.

Matatandaan na noong Biyernes, Hulyo 26, 2016 ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagkansela sa operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at ang pag-terminate at pagkansela ng mga lisensya ng mga accredited sa ahensya dahil sa malawakang korapsyon.

Nagbaba na  ng utos si RD Rasco sa mga Provincial Directors, City at Municipality Directors, at mga Chiefs of Police na bantayan ang kanilang mga areas of responsibilities at hulihin ang mga indibidwal na nasa likod n mga mag-o-operate na mga number gaming outlets.

Related posts

Watchers Prohibited At DCLMMRH Indefinitely

RPN

Zamboanga City Expects Additional 400 COVID Cases By January

RPN News

Bacolod City Allots ₱160-M As Covid-19 Supplemental Fund

RPN