30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Prince Harry kinasuhan ang dalawang publishers ng mga pahayagan

- Advertisement -

Kinasuhan ni Prince Harry ng England ang mga publishers ng dalawang pahayagan matapos umanong i-hack ng mga ito ang telepono nila ng asawa na si Meghan.

Ayon sa tagapagsalita ni Prince Harry, isinampa na ng Duke of Sussex sa high court ang kaso laban sa publisher ng Sun Newspaper at Daily Mirror bagama’t tumanggi na itong magbigay pa ng iba pang detalye.

Samantala, kinumpirma naman ng tagapagsalita ng news group, publisher ng the sun ang isinampang kaso ni Prince Harry na humingi ng danyos dahil sa insidente.

Una nang sinabi ni Prince Harry Duke of Sussex na magsasampa silang mag-asawa ng magkahiwalay na kaso dahil sa paglalathala ng dalawang pahayagan ng isang pribadong sulat at pag-aakusa ng bullying sa ilang mga British press.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -