Presyo ng hamon tumaas ilang linggo bago ang pasko

0
50

Tumaas ang presyo ng hamon ilang linggo na lamang bago ang pasko.

Sa kilalang tindahan ng hamon sa Quiapo, tumaas ng 30 pesos ang lahat ng uri ng hamon.

Mabibili ang deboned ham ng 1,220 pesos, bone in ham ng 1,300 pesos, scrap ham ng 1,200 pesos at pear shape ham ng 700 pesos.

Tumaas din ang ham sa isa pang dinadayong tindahan sa Mandaluyong City.

Ang dating 1,220 pesos na boneless ham ay mabibili na sa 1,240 pesos habang ang bone in ham na dating 1,320 ay 1,360 pesos na ngayon.

Katwiran ng mga manufacturer ng ham, tumaas ang presyo ng asukal at iba pang sangkap ng ham kaya kinailangan nilang i adjust ang presyo ng kanilang produkto.

Hinikayat naman ng naturang mga tindahan na ngayon palamang ay bumili na ng ham dahil tumatagal naman ito ng isang buwan kung ilalagay sa ref upang maiwasan ang pakikipagsiksikan ilang araw bago ang pasko.