30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Presyo ng galunggong sa pamilihan posibleng may nagmamanipula

- Advertisement -

Posibleng may nagmamanipula sa  presyo ng galunggong sa mga pamilihan.

Ito ang suspetsa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos pumalo sa P360 ang presyo ng kada kilo ng galunggong sa ilang mga pamilihan.

Ayon kay BFAR Executive Dir.  Eduardo Gongona, ang umiiral na fishing ban sa ilang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pangingitlog ng mga isda ang isa sa dahilan ng paggalaw ng presyo ng isda. Sinabayan pa aniya ito ng malamig na klima at ng epekto ng bagyong Tisoy.

Aniya,  para mapababa ang presyo ng isda sa mga pamiliha aabot sa 45,000 metriko toneladang galunggong ang i-aangkat mula China at Vietnam.

Kasabay nito, tiwala naman si Agriculture Sec. William Dar na ang pagtaas ng presyo ng isda ay epekto ng bagyong Tisoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -