29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Power supply agreements pinasisiyasat

- Advertisement -

Nananawagan ang grupong Bayan Muna kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipasiyasat sa mga kinauukulang ahensya ang lahat ng power supply agreement na pinasok ng mga power utilities.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na pagsasailalim sa yellow alert status sa Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, dapat na masilip ng pangulo ang mga power deals upang matiyak na hindi dehado ang mga konsyumers.

Iginiit rin ng mambabatas na maaaring ginagawang dahilan lamang ang mga pumapalyang power plants upang maka-singil ang mga ito ng mas mataas sa kuryente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -