Pinag-utos ngayon ni General Santos City Police Senior Supt. Raul Supiter sa lahat ng Chief of Police ng bawat presinto sa nasasakupan ng GCPO na imbestigahan ang nangyayaring shooting incident dito sa lungsod, kung saan ang utos ay may kaugnayan sa panibagong serye ng pamamaril-patay na nangyari sa harap ng Hall of Justice sa Cabel Street, Barangay Lagao General Santos City kahapon September 2, 2018 alas-9:49 ng umaga na ikinasawi agad ng dalawang tao.
Ayon sa opisyal dapat umanong imbestigahan ang lahat ng background ng mga pinatay upang malaman kung anu-ano ang mga motibo nito sa pagpatay sa mga biktima, napag-alaman rin na apat na ang namatay sa nangyaring pamamaril dito sa lungsod na pinaniniwalaang kagagawan ng mga taong nakasakay ng motorsiklo, samantala noong nakaraang buwan ng Mayo ay huminto ang pamamaril sa lungsod matapos mahuli si Eleazar Cavan na ititunuturong tirador.