Radio Philippines Network
Headlines National News

POGO na hindi nagbabayad ng buwis pananagutin

Papanagutin ng pamahalaan ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Tiniyak ito ni Presidential spokesman Salvador panelo matapos lumabas sa pagdinig ng Senado na umaabot sa P50-bilyon ang hindi nabayarang buwis ng POGO.

Ayon kay Panelo, klaro ang direktiba ng pangulo na walang sisinuhin at walang palalampasin sa mga may utang sa gobyerno.

Samantala, hinamon ni Panelo si Senador Risa Hontiveros na samahan na lamang ang babaeng Taiwanese national na tumestigo sa Senado laban kay Michael Yang para magsampa ng kaso.

Matatandaan na ibinunyag ng babaeng Taiwanese sa Senado na isang Michael Yang ang nagsisilbing backer sa Malakanyang ng POGO.

Magugunita na si Michael Yang ang dating economic adviser ng pangulo na nadawit na rin dati sa illegal drugs.

Related posts

Duterte tila padalos-dalos sa desisyong pag-cancel sa VFA

Powered by DWIZ

Gobyerno tali ang kamay sa pagsuspinde sa oil excise tax

Powered by DWIZ

Mga LGU na bigong sumunod sa quarantine guidelines, hindi papangalanan — Nograles

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More