33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

PNP XII At DOH XII, Hinihikayat Ang Publiko Na Umiwas Sa Pagpapaputok

- Advertisement -

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng mga biktima na paputok sa Rehiyon XII, hinihikayat parin ng Philippine National Police at Department of Health ang publiko na iwasan ang pagpapaputok sa pasko at bagong taon.

Mas hinihikayat ng DOH XII ang pag-iingay gamit ang ibang mga gamit kesa sa pagpapaputok nang makaiwas sa disgrasya.

Sa kabilang banda, kung magkakaroon man ng community fireworks display, paalala ng PNP XII na nasa 300 metro ang layo ng lugar sa mga kabahayan, malayo sa gasulinahan, mayroong firetruck o supply ng tubig, at higit na isaalang-alang ang kaligtasan ng publiko.

Magsisimula ang pagtatala ng mga kaso ng mga biktima ng mga paputok sa Disyembre 21 ngayong taon hanggang Enero 5, 2010. Sa pamamagitan ng pagtatala ay malalaman kung tumaas o bumaba ang mga kaso ng fire cracker-related injury sa buong SOCSKSARGEN Region.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -