31.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

PNP patuloy pa rin ang mga isinasagawang checkpoint operations —Eleazar

- Advertisement -

Patuloy pa rin ang mga isinasagawang checkpoint operations ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng inaasahang pagsasa-ilalim na sa general community quarantine (GCQ) ng Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ito ang inihayag ni Joint Task Force Covid Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, bagama’t gagawin na lamang itong modified.

Ayon kay Eleazar, sa ilalim ng modified checkpoint, hindi na lahat ng mga dumadaang sasakyan ay susuriin ng pulisya at nakadepende na lamang ito sa unit commander.

Dadagdagan na rin aniya ang mobile checkpoints na pinangungunahan ng highway patrol group.

Depende sa discretion ‘yung ating unit commanders on the ground, ma-checheck sila for a ceryain volume and then ii-release nila. So, it just the same properly pa rin po ang pagpapa-check so that kung mayroonng violation doon. siguradong huhuliin natin at sasampahan ng kaso, dagdagan din natin ‘yung tinatawag nating mobile checkpoint. Ito’y pinangunahan ng High Patrol Group na kung saan sa Oplan habol at Oplan sita pwede silang mag-check ng mga sasakyan depende sa discretion sa  ating pulispwede tayong magbawas ng fixed checkpoint at mag-adjust tayo sa mobile checkpoint. ani Eleazar

Dagdag ni Eleazar, papayagan na rin ang pagtawid sa border ng mga manggagawang papasok sa trabaho basta’t makapagpapakita ng identication card (ID) bilang patunay.

In reduce capactiy  mayroong na pong public transportation, ngayon po ang mag-aavail niyan  syempre mga authorized persons pa rin. In the case of the workers pupunta lang po kayo doon even though mag-cocross ng boarder ‘iyan, pag mayroong naman kayo ng  ID na nagpapatunay na kayo ay bahagi nung establishment na ‘iyon allowed po kayo  pero kayo ay ‘yung sinasabi  natin na lalabas lang para bibili ng mga essential goods and services ay doon lang po kayo sa lugar niyo at hindi kayo dapat mag-cocross ng boarder whether city, municipality or provincial. ani Eleazar

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -