29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

PNP may sarili nang COVID-19 testing center

- Advertisement -

Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang license to operate para sa kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing laboratory.

Ito’y makaraang aprubahan na ng Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang nasabing testing center para sa mga police frontliner.

Ayon kay Admin Support to COVID-19 Operations Task Force Commander P/LtG. Camilo Cascolan, ika-22 ng Mayo nang makuha nila ang lisensya mula sa DOH.

Sampung (10) araw ito mula nang matanggap naman ng PNP ang sertipikasyon mula sa RITM para sa pagsasagawa ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) para sa mga COVID-19 patients.

Ayon kay Cascolan, isinasaayos na lang aniya ang schedule ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa at inaasahang mabubuksan na ito anumang araw ngayong linggong ito.


COVID-19 Testing Center ng PNP, itatayo rin sa Visayas at Mindanao

Asahan nang darami pa ang bilang ng mga pulis na maitatalang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa mas pinalakas na testing capability nito.

Ito’y ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac ay matapos aprubahan ng Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang kanilang COVID-19 testing center.

Matatagpuan ang PNP COVID-19 testing center sa PNP Crime Laboratory sa loob ng Kampo Crame na tatauhan ng 11 personnel na nagsanay para magkasa ng testing.

Ayon kay Banac, maliban aniya sa Kampo Crame, magtatayo rin ang PNP ng kaparehong testing center sa Region 7 na naka-base sa Cebu at sa Region 11 na nakabase naman sa Davao.

Batay sa pinakahuling datos ng PNP (as of May 22), nasa 277 na mga pulis na ang tinamaan ng COVID-19 kung saan, 777 ang probable habang nasa 575 naman ang suspected cases at nasa 102 ang recovered.

Gayunman, nilinaw ni Banac na ekslusibo na muna para sa mga pulis ang nasabing testing center upang matutukan ang paggaling ng mga pulis at kalauna’y bubuksan din nila ito sa mga sibilyan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -