Home Headlines PNP may lead na sa kinaroroonan ng ‘Makabayan 4′

PNP may lead na sa kinaroroonan ng ‘Makabayan 4′

0

May lead na ang Philippine National Police o PNP sa kinaroroonan ng mga dating mambabatas na ipinaaresto ng korte dahil sa kasong pagpatay.

Dahil dito, sinabi ni PNP Spokesman Senior Supt. Benigno Durana na nakahanda na nilang isilbi anumang araw ang warrant of arrest laban kina dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño, dating Agrarian Reform Secretary at Anakbayan Representative Rafael Mariano at Anti-Poverty Secretary Liza Maza.

Bukod sa apat na dating mambabatas, pinaaresto rin ng Palayan Nueva Ecija Regional Trial Court ang labing apat (14) na iba pa kabilang sina Eugenia Magpantay, Vicente Cayetano, Delfin Pimentel at Emeterio Antalan.

Nag-ugat ang warrant of arrest sa umano’y kaso ng pagpatay sa dalawang tagasuporta ng kalaban nilang party-list na Akbayan noong 2003 at 2004.

—-

 

 

 

 

PNP may lead na sa kinaroroonan ng ‘Makabayan 4′ was last modified: August 10th, 2018 by Krista De Dios

Exit mobile version