28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

PNP kinondena ang mga nasa likod ng pagpatay sa 4 pulis sa Negros Oriental

- Advertisement -

Kinondena ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang mga nasa likod ng brutal na pamamaslang sa apat na police intelligence officers sa Ayungon, Negros Oriental.

Ayon kay Albayalde, ang mga salarin na hinihinalang mga miyemrbo ng New People’s Army ay walang pagrespeto sa human rights.

Aniya, posibleng binugbog pa ang biktima bago pinatay dahil sa mga nakitang pasa sa mga bangkay.

Nakaluhod din aniya ang mga biktima nang barilin ng mga salarin.

Una nang nag alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang milyong piso sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga nambiktima sa mga pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -