30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PNP isasailalim sa full alert status sa buong bansa simula bukas

- Advertisement -

Isasailalim ng Philippine National Police (PNP) sa full alert status ang buong bansa simula 6:00 ng umaga bukas, Disyembre 15.

Alinsunod ito sa ipinalabas na PNP command memorandum circular “Paskuhan 2019” ni PNP Officer In Charge Lt. Gen. Archie Gamboa para sa pagpapaigting ng seguridad ngayong kapaskuhan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, halos 70,000 mga pulis ang kanilang ipakakalat sa mga matataong lugar tulad ng simbahan, terminal ng bus, paliparan, pantalan, malls at iba pa.

Katulong din aniya ng pulisya ang mahigit 150,000 mga force multupliers na idedeploy rin.

Inatasan na rin ni Gamboa ang pulisya na maglagay ng mga assistance hubs, palakasin ang police visibility at makipag-ugnayan sa mga Barangay Officials para naman sa kampaniya kontra krimen at iligal na droga.

Tatagal ang full alert status sa loob ng 21 araw o hanggang Enero 5 ng susunod na taon.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -