PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. hiniling ang patuloy na suporta ng mamamayan tungkol sa kampanya laban sa illegal na druga

0
8

Bago ang pagreretiro bilang ika – 28th hepe ng Philippine National Police ngayong Lunes, Noon Abril 24, 2023, Minsan pang hiniling ni Police General Rodolfo Azurin Jr. ang todong pagsuporta ng mga mamamayan sa gobierno at sa pulisya sa kampanya nito laban sa illegal na droga.

Sinabi ng PNP Chief, na unti unti ng nalalansag ang mga sindikato ng illegal na druga sa bansa kaya kailangan pa ang suporta ng mga mamamayan. Kanyang idinagdag na ang suporta ng mga mamamayan sa kanila at ng iba’t ibang ahensia ng  gobierno na katuwang nila sa kampanya laban sa illegal na droga at ito ang nagbibigay sa kanila ng karagdagang lakas.

Dahil sa  suporta sa kanila ng  publiko ay unti unti din nalilinisan ang hanay ng kanilang organisasyon mula sa mga opisyal na may kaugnayan sa operasyon ng illegal na druga sa ating bansa.

Samantala, bago ang kanyang pagreretiro ngayong araw na ito ng lunes ay nagpasalamat siya sa lahat ng sekta ng relihiyon sa bansa dahil sa suporta nila sa kanila ang  KASIMBAYANAN o ang  Kapulisan, Simbahan, Pamayanan program nito.

Dahil sa tulong ng  religious sector ay nailapit ang mga kapulisan sa pamamagitan nito ay napipigilan o nababawasan na mangyari ang mga krimen. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credito to PRO-COR

Leave a Reply