35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

PNP Camarines Sur, May Paalala Ngayong Darating Na Valentine’s Day

- Advertisement -

Tuwing sasapit ang araw ng mga puso, marami ang mga magkakapareha ang kalimitang makikita sa mga restaurant, hotel, amusement park, pook pasyalan at iba pang romantic places.

Kaugnay nito, may paalala ang pambansang pulisya laban sa mga mapagsamantala o masasamang loob.

Ayon kay PMAJ. Louie Dela Peña, Spokesperson ng Camarines Sur Police Provincial Office, mayroon din aniya kasing mga magkasintahan na mas pinipili ang mga madidilim at kulang sa tao na lugar daan para sa mga kawatan na gumawa ng hindi kanais-nais tulad ng panghoholdap.

Huwag din aniyang magpost sa social media hinggil sa mga plano ngayong Valentine’s Day para iwas naman sa mga Akyat Bahay Gang.

Pagtitiyak ng opsiyal, ipakakalat ngayon ang maraming pulis sa mga pampublikong lugar kasabay ng pamimigay ng bulaklak sa mga dumaraang motorista na nakaugalian na ng ilang PNP stations tuwing araw ng mga puso.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -