Planong pagbawi sa suspensyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo binatikos ng isang senador

0
46

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na nabahiran ang kredibilidad ng mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na bawiin ang anunsyong sususpendihin ang excise tax sa 2019.

Ayon kay Gatchalian, hindi maganda ang naging desisyon ng mga economic manager ng pangulo dahil tila pagpapakita ito na ano mang oras ay maaring magpalit ng desisyon ng gobyerno.

Dapat din aniyang isaalang alang ang mga mahihirap na lubhang apektado ng paggalaw ng mga bilihan dahil sa ipinataw na excise tax.

Una nang ipinahayag ng mga economic manager ng pangulo na hindi na tuloy ang pagbawi ng excise tax dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.