33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pinsala sa sector na agrikultura dahil sa patuloy na pag-ulan .. inaalam pa ng DA sa Bicol

- Advertisement -

Bagamat tumigil na ang malakas na pag-ulan sa mga lalawigan dito sa rehiyon ng bicol, inaalam pa ngayon ng Department of Agriculture ang lawak ng pinsala sa mga palayan na inabot ng mataas na tubig baha.

Ayon kay Ms. Georgina Bordado, spokesperson ng DA-Bicol kanila pang hinihintay ang report mula sa mga municipal ay city agriculturist upang malaman kung ilang ektaryang palayan ang naapektuhan ng pagbaha.

Kinompirma ng opisyal na konti na lamang sa mga aanihing palay ang inabot ng pagbaha, subalit maraming magsasaka na kakatanim pa lamang ng palay ang hanggang sa ngayon ay lubog pa rin sa tubig.

Magugunita na ilang bayan sa lalawigan ng Camarines Sur at Albay ang inabot ng mataas na tubig baha bunga ng ilang araw na pag-ulan na siyang nagpa-apaw sa mga palayan sa nabanggit na mga lugar.

-J. Lim

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -