33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pinoy sa Singapore nag positibo sa COVID-19 —DFA

- Advertisement -

Isang Pilipino sa Singapore ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa impormasyon mula sa Embahada ng Pilipinas sa Singapore, kasalukuyang naka-isolate ang Pinoy sa national Centre for Infectious Disease.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, ito ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng isang Pilipino sa Singapore nahawaan ng COVID-19.

Pagtitiyak ni Dulay, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Singaporean Health officials para mabantayan ang kondisyon ng Pinoy.

Sa pinakahuling datos, umaabot na sa 89 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -