Pilipinong Pari sa Spain nasawi dahil sa COVID-19

0
86

Isang 72 anyos na Paring Filipino sa Spain ang nasawi dahil sa komplikasyong dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), agad na inilibing si Father Gilbert Luis Centina III sa isang public cemetery sa City of León noong Biyernes, kaparehong araw na nasawi ito.

Dinaluhan ang libing ni Father Centina ng kanyang mga kasamahan sa Augustinian Community.

Si Father Centina ay naging miyembro ng Spanish Augustinian Province of Most Holy Name of Jesus of the Philippines naitalaga sa iba’t-ibang misyon sa ibayong dagat.

Unang nagsilbi si Father Centina sa Augustinian house sa Neguri at Loui noong April 13 hanggang July 19 bago naitalaga sa Colegio De Nuestra Madre Del Buen Consejo Sa León.