31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pilipinas nakakagawa na ng sariling PPE’s para sa mga frontliners kontra COVID-19

- Advertisement -

Nakakagawa na ngayon ang Pilipinas ng lokal na personal protective equipments (PPE’s) para sa mga frontliners sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isinagawang pagdinig ng committee of the whole, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na 10 kumpanya ang sumang-ayon na gumawa ang Pilipinas ng sariling PPE’s.

Bukod dito, meron rin aniyang iba pang electric companies na gumagawa ng masks at ventilators.

Magugunitang, naharap ang bansa sa kakulangan ng protective gears panlaban sa COVID-19, dahil sa global shortage.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -