PHLPost may pakulo sa Araw ng mga Puso

PHLPost may pakulo sa Araw ng mga Puso

by Powered by DWIZ
41 views

Ibinabalik ng PHLPost Philippine Postal Corporation ang pakulo nitong “Express Padalove”.

Ang naturang hakbangin ay sinimulan na ng PHLPost ngayong Lunes, ika-10 ng Pebrero hanggang sa Biyernes, ika-14 ng Pebrero –mismong Araw ng mga Puso, kung kailan available ang kanilang singing kartero.

Bukod sa magdedeliver ng regalo, ang singing kartero ay manghaharana pa sa halagang P2,500.

Sinabi ni Dada Marquez, hepe ng marketing Mega Manila area ng PHLPost, ang singing kartero package ay may kasamang bouquet ng mga bulkalak, greeting card at dalawang kanta o harana songs.

Para naman sa domestic express mail service, uubrang mag regalo ng mga bulaklak, cards, stuffed toys, cholate at cakes.

Sa mga magde-date namang magsing-irog o mag-asawa sa Araw ng mga Puso, maaaring dayuhin ang opisina ng PHLPost at bisitahin ang personalized selfie stamps booth.

Kasabay nito ay inilunsad na rin ng PHLPost ang special valentine’s day stamps na kaugnay pa rin sa love month na nagkakahalaga ng P12.00 at may iba’t ibang disenyo tulad ng love nature, love for country, love knows no gender at love yourself. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

0 comment

Related Posts