35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Phil. Army nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Dormitorio

- Advertisement -

Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa pamilya ng pumanaw na plebo ng Philippine Military Academy o PMA na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Kahapon, lumapag sa Laguindingan Airport sa Cagayan De Oro City ang special flight ng Philippine Air Force na naghatid sa labi ni Dormitorio kasama ang pamilya, ka-anak at kaibigan nito.

Binigyan ng arrival honors ng 4th ID si Dormitorio bago ito dinala sa Cosmopolitan Memorial Chapels sa nabanggit na lungsod kung saan ito isasailalim sa cremation ngayong araw na ito.

Ayon kay Maj/Gen. Nemesio Gacal, commander ng 4th ID, labis nilang ikinalulungkot ang maagang pagyao ng kadete na anak ni Retired Col. William Dormitorio na isa ring alumnus ng PMA at bahagi ng “Marangal Class of 1974”.

Tiniyak ni Gacal ang lahat ng suporta at tulong na kanilang ibibigay sa pamilya Dormitorio at umaasa sila sa mabilis na paglutas sa kaso nito. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -