PH Lawn Bowl Teams nasungkit ang gold medal sa SEA Games

PH Lawn Bowl Teams nasungkit ang gold medal sa SEA Games

by Powered by DWIZ
13 views

Matagumpay na nasungkit  ng Philippine Lawn Bowl Teams ang gold medal sa 30th South East Asian o SEA Games sa Clark Freeport Zone.

Kalaban rito ng bansa ang Thailand.

Matatandaang nagkaroon ng problema sa pag-eensayo ang Philippine team dahil sa hindi pa natatapos na konstruksyon ng gagamiting lawn bowls venue sa Clark.

Samantala, ngayong araw nakatakda ang huling kompetisyon sa lawn kung saan sasabak at target din makakuha ng gintong medalya ng Pilipinas sa ladies triples at men’s fours.

0 comment

Related Posts