33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PH Army humingi ng paumanhin ukol sa ‘edited’ na litrato

- Advertisement -

Humingi ng paumanhin ang Philippine Army sa publiko matapos na maglabas ng “edited” na litrato.

Ito ay matapos na umani ng batikos mula sa publiko ang litratong inilabas ng militar dahil minanipula umano ang litratong kalakip ng ulat na mayroong 306 na miyembro ng komunistang grupo ang sumuko sa militar.

Ayon kay 9th Infantry Division Spokesman Maj. Ricky Aguillar, wala namang silang intensyon na magbigay ng maling impormasyon, bagkus ay nais lamang aniya nilang protektahan ang pagkakakilanlan ng mga rebeldeng nag-balik loob na sa estado.

Sinabi ni Aguilar na  dahil sa pag-nanais nilang makapaglabas ng impormasyon sa lalong madaling panahon ay hindi na nila na suri pa ang mga litratong ipinadala nila sa media.

Kaugnay nito, aminado naman si Aguilar na edited ang litratong inilabas nila ngunit totoong may higit 300 miyembro ng rebeldeng grupo ang sumuko sa militar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -