PH Army building sa Fort Bonifacio nasunog

0
15

Nasunog ang bahagi ng isa sa mga gusali sa loob ng punong tanggapan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, pasado alas-9:20 kagabi nang sumiklab ang sunog sa government strategy management office na nasa loob ng gusali ng Finance Center Philippine Army.

Pasado alas-10:03 naman kagabi nang tuluyang maapula ang apoy.

Sinabi ni Zagala, walang nasaktan sa insidente dahil nangyari ang sunog sa oras ng curfew sa kampo kaya wala na rin aniyang tao sa loob ng gusali.

Patuloy namang iniimbestigahan ang dahilan at pinagmulan ng sunog habang inaalam din ang kabuuang halaga ng mga natupok na ari-arian.