30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Petisyong makapag piyansa si Dating Senador Bong Revilla ibinasura ng Korte Suprema

- Advertisement -

Petisyong makapag piyansa si Dating Senador Bong Revilla ibinasura ng Korte Suprema.

Ibinasura ng Korte Auprema ang petisyon ni Dating Senador Ramon Bong Revilla na makapag piyansa kaugnay sa kinakaharap na PDAF scam case.

Una nang naghain ng motion for bail si Revilla na nahaharap sa 224. 5 million plunder case sa Sandiganbayan.

Pinagtibay ng high tribunal ang naunang pag i isyu ng Sandiganbayan ng preliminary attachment hinggil sa mga umano’y pera at ari arian ni Revilla.

Kasama rin maging ang alias writ of preliminary attachment sa mga ari ariang nasa ilalim ng mga alias ng dating senador at misis nitong si Mayor Lani Mercado ng Bacoor City sa Cavite.

Naghain noon si Revilla ng motion for bail sa Korte Suprema matapos payagan si Dating Senador Juan Ponce Enrile na may PDAF case rin subalit hindi siya pinayagang makapag piyansa.

Samantala, pinagtibay din ng mataas na hukuman ang pagbasura nito sa bail plea ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles at Richard Cambe na dating tauhan ni Revilla.

(with report from Bert Mozo)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -