29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PDP-Laban magpapadala ng mga kinatawan sa North Korea

- Advertisement -

Magpapadala ang ruling party na PDP-Laban ng kinatawan nito sa North Korea.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng party to party contact sa pagitan ng Manila at Pyongyang.

Ayon kay PDP-Laban President Koko Pimentel, apat na miyembro ng delegasyon ay magtutungo sa NoKor sa Miyerkoles para makipag-ugnayan sa Worker’s Party of Korea.

Inaasahang lalagda sa isang memorandum of understanding ang dalawang partido na nagpapatibay pa sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Kabilang sa magiging delegasyon ay si PDP-Laban President for Visayas Lutgardo Barbo, PDP-Laban Chair for Public Information Ronald Munsayac at mga Vice Chair ng partido sina Raymundo Roquero at Evan Rebadulla.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -