PDEA Chief Aquino nasabon sa huling Senate hearing kaugnay sa shabu shipment sa BOC

0
62

Nasabon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Dir. Gen. Aaron Aquino kaugnay sa kanyang kontrobersyal na larawang kasama ang mga dalawang pangunahing akusado sa multi-billion peso shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC).

Dating Philippine Drug Enforcement Agency Deputy Chief Ismael Fajardo at dismissed Police Colonel Eduardo Acierto.

Sa larawang ipinakita sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon, masayang magkasama sa birthday party sina Aquino, dating  PDEA Deputy Chief Ismael Fajardo at dismissed Police Colonel Eduardo Acierto.

Aminado naman si Aquino na ang lumabas na larawan ay birthday party ni Fajardo noong September 3 o ilang linggo matapos  masabat ng PDEA ang nasa P2.4 billion na  shabu sa manila international container port at magnetic lifters na hinihinalang naglalaman ng P11 billion na halaga ng shabu.

Gayunman, wala pa naman aniyang nakaaalam noon na sangkot sina Fajardo, Acierto at ni dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.

Iginiit ni Aquino na kung sino man ang naglabas ng picture ay may intensyon na bigyan ito ng malisya at sirain ang kanyang reputasyon maging ang imahe ng PDEA.