28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

PCW chairperson nag-resign

- Advertisement -

Nagbitiw sa kanyang tungkulin ang chairperson ng Philippine Commission on Women (PCW) na si Rhodora Bucoy nitong Martes, ika-7 ng Hulyo.

Ito ang inianunsyo ng PCW sa gitna ng kumakalat na ulat na sinibak ito sa puwesto.

Sa Facebook post ng PCW, itinanggi nito ang kumakalat na mga balitang sinibak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala pa aniya silang natatanggap na notice mula sa Tanggapan ng Pangulo kaugnay sa kung sino ang hahalili sa nabakanteng posisyon ni Bucoy.

Sinabi rin ng PCW na maglalabas sila ng abiso kung mayroon mang updates o pagbabago hinggil dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -