28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

PCSO bukas sa anomang imbestigasyon ukol sa korupsiyon sa ahensiya

- Advertisement -

Bukas ang PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office sa anomang imbestigasyon na gagawin sa ahensiya.

Sa gitna ito ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang operasyon ng PCSO dahil sa laganap na korupsiyon.

Sa isinagawang press conference, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma, ipinauubaya na lamang niya sa mga isinasagawang imbestigasyon ang mga isyung kinasasangkutan ng mga dati at kasalukuyang opisyal nito.

Sinabi pa ni Garma na ang tanging prioridad niya sa ngayon ay ang pagpapatuloy ng operasyon ng PCSO para magbigay suporta sa mga proyekto ng natitirang tatlong taon ng administrasyon.

“With all the factors na nagpapatigil o nagpapabagal po para mapabilis po ang revenue at paglabas through charity, eh hindi ho namin kayang kami lang kasi may mga external factors po na dapat naming i-address. Kung may correction ho, I will leave that to the investigator. Our office is open sa lahat ng investigation.” — Pahayag ni General Manager Royina Garma.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -