28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PCG naka-heightened alert na para sa Undas

- Advertisement -

Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero para sa Undas.

Ayon sa PCG, layon nitong suportahan ang Malasakit Help Desk sa pagbibigay ng maayos, malinis at kombinyenteng byahe para sa mga pasahero na sasakay sa mga sasakyang pandagat.

Samantala, sa tala ng PCG, umabot na sa halos tatlumpung libo ang kabuuang bilang ng mga pasahero namonitor sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa mula lamang kaninang alas dose ng gabi hanggang kaninang alas sais ng umaga.

Pinakaraming pasahero ay naitala sa mga pantalan sa Central Visayas na umabot ng 9,448, Southern Tagalog 5,256 habang 4,478 naman sa Western Visayas.

Inasahang madadagdagan pa ang naturang bilang habang papalapit ang Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -