28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Patuloy na profiling sa mga aktibistang estudyante kinondena

- Advertisement -

Inakusahan ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nang paglulunsad ng manhunt operation laban sa isa sa mga opisyal nito.

Ayon sa NUSP, nagsimula ang pagtugis kay NUSP Deputy Secretary General Rehjon Soriano, dating PUP student nang ihayag ng PNP na ang mga estudyante ng PUP at UP ay nire-recruit ng NPA base na rin sa pagbubunyag ng dalawampung (20) umano’y NPA members na sumuko sa mga awtoridad.

Kinukundena ng NUSP ang nasabing hakbangin na malinaw anitong pagpapakita nang pinaigting na kampanya ng Duterte administration laban sa student activists.

Sinabi ng NUSP na ang paghahanap kay Modesto ay kapareho ng ginawa ng mga awtoridad nang tugisin din si UP student regent Ivy Taroma noong September 2018.

Binigyang diin ni NUSP na lantaran na ang paglalabas ng puwersa ng militar at pulisya para ma-intimidate, i-harass at magsagawa ng surveillance laban sa student activists upang matakot ang mga ito.

Pagpapakita ito anila ng pagiging desperado ng Pangulong Rodrigo Duterte para patahimikin ang kaniyang mga kritiko.


Profiling at counter-intelligence operations

Samantala, patuloy na babantayan ng Philippine National Police (PNP) ang mga aktibidad ng mga makakaliwang grupo.

Ito ang binigyang diin ng PNP, kahit pa may isinasagawa nang back channel talks ang pamahalaan sa mg komunistang grupo.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., patuloy ang kanilang isinasagawang profiling at counter-intelligence operations.

Ito aniya ay para maihiwalay ang mga tunay na progresibong grupo mula sa mga komunistang terorista na layon lamang na mapatalsik ang pamahalaan sa pamamagitan ng mga mararahas na pamamaraan.

Una rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si MTRCB Board Member Avelino Andal na pangunahan ang isang back channel talk kay CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.

Sinabi ni Andal, kumikilos na siya para makausap si Sison at maiparating ang mensahe ng Pangulo hinggil sa muling pagbuhay ng peace talks.

Contributor: Krista de Dios

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -