27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

“Pastillas scheme” whistleblower nasa kustodiya na ng WPP ng DOJ

- Advertisement -

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) secretary Menardo Guevarra na nasa pangangalaga na ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ ang testigo sa “pastillas scheme” na si Allison Chiong.

Ayon kay Guevarra, nasa provisional coverage pa lamang ng WPP si Chiong dahil kailangan muna nitong makumpleto ang mga requirements bago ilipat sa full coverage ng WPP.

Magugunitang hiniling ng mga ilang mambabatas kahapon na ilagay si Chiong sa WPP dahil matapos na isiwalat nito ang modus sa Immigration ay nakatatanggap na umano ito ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Samantala, tinawag ang modus na “pastillas scheme” dahil nakabalot na parang pastillas ang perang pangsuhol na ibinibigay ng mga Chinese nationals na dumarating sa bansa na karamiha’y nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -