Pasig kumikilos upang makatulong sa mga PUV drivers na apektado sa ‘ESQ’

Pasig kumikilos upang makatulong sa mga PUV drivers na apektado sa ‘ESQ’

by Powered by DWIZ
23 views

Kumikilos na ang lokal na pamahalaan na Pasig upang matugunan  ang pangangailangan ng mga tricycle drivers sa lungsod.

Ito ay dahil ang mga tricycle drivers ang isa sa mga sektor na pinaka apektado ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon kung saan suspendido ang mass transportation.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, pinansiyal na ayuda ang kaniyang solusyon sa problemang ito kung saan aabot sa P55.5-M ang halaga ng financial assistance na ipalalabas  ng Pasig City Government.

Dahil dito, inaasahang nasa P3,000 ayuda ang matatanggap ng mga tricycle, jeepney at UV express drivers sa lungsod.

Sa isang tweet, sinabi ni Sotto na magsisimula sa Lunes, Marso 30 ang pamamahagi nila ng ayuda sa mga tsuper.

Matatandaang una nang ibinasura ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang apela ni Sotto na payagan munang maka-biyahe ang mga tricycle drivers upang magamit din ng mga frontliners sa Pasig City.

0 comment

Related Posts