Panukalang nagbababa sa retirement age ng gov’t workers aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara

0
46

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang nagbababa sa edad na limampu’t anim (56) ang opsyonal na edad ng pagreretiro ng mga gobyernong manggagawa.

Layon ng panukala na amyendahan ang Republic Act 8291 o Government Service Insurance Act of 1997 na nagtatakda sa sisenta (60) anyos  na edad ng pagreretiro.

Nilinaw naman ng mga mambabatas na hindi inaalis ang 65-year-old mandatory retirement age sa gobyerno bagkus ay sinisiguro lamang ng panukala na maari ng magretiro sa edad na 56 ang isang empleyado.

Hangad din ng naturang panukala na mas maagang makapagpahinga sa trabaho ang mga senior workers at makuha pa rin ng buo ang kanilang mga benepisyo.