Panukalang magkaroon ng Phil. Sports Academy isinusulong sa Kamara

Panukalang magkaroon ng Phil. Sports Academy isinusulong sa Kamara

by Powered by DWIZ
14 views

Pinaplano ng House Committee on Youth and Sports Development ang pagsusulong ng panukalang batas para palakasin ang larangan ng pampalakasan sa bansa.

Ayon kay Eric Martinez, chairman ng komite, katuwang ng Kamara sa pag-aaral sa nasabing panukala ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympics Committee at Philippine South East Asian Games Organizing Committee.

Layon ng nasabing panukalang magkaroon ng Philippine Sports Academy para sa mga atleta kung saan magsisilbing school at training ground ito para sa mga atleta at coaches ng bansa.

Itatayo umano ito sa bagong sports hub sa New Clark City Capas, Tarlac.

Sinabi ni Martinez na marami ang uri ng sports sa bansa ang hindi nabibigyan ng atensyon na maaari palang ipanglaban sa malalaking sporting events.

0 comment

Related Posts