30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Panibagong kaso ng bird flu nadiskubre sa Pampanga

- Advertisement -

Nadiskubre ng mga otoridad ang panibagong kaso ng bird flu sa isang farm sa San Luis, Pampanga.

Ilang araw lamang ito matapos i-anunsyo ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry na nawala na ang avian influenza sa Barangay Ulanin Pitak sa Jaen, Nueva Ecija.

Kaagad namang nagkasa ng mga hakabangin ang mga otoridad para hindi na kumalat pa ang nasabing sakit sa lugar gamit ang one health approach.

Ayon sa DA mabilis na pinatay ng team ang halos 39,000 manok at inilibing ng maayos ang mga ito batay sa protocols sa ilalim ng avian influenza protection program ng gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -