28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Panibagong draft ng SOT bill isinumite na ng DOLE sa Malacañang

- Advertisement -

Naisumite na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Malacañang ang panibagong draft ng Security of Tenure (SOT) bill.

Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos i-veto ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang bersyon ng SOT bill nuong isang taon.

Tiniyak ni Bello ang muling pag konsulta sa lahat ng stakeholders hinggil sa usapin bago isinapinal ang panibagong draft ng SOT bill.

Tumanggi naman si Bello na tukuyin ang major differences sa bagong draft mula sa na veto na bersyon ng naturang panukala.

Sinabi ni Bello na isusumite nila sa Kongreso ang draft ng SOT bill sa pagbubukas muli ng sesyon nito matapos ang Christmas holiday.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -