Pangulong Duterte nawalan na ng ganangmakipag-usap sa mga rebeldeng komunista

0
46

Wala na umanong plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang peace talks ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung nais ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ng peace talks ay dapat muna nilang ibaba   ang kanilang mga armas at magbalik-loob sa pamahalaan.

Wala aniyang kahihinatnan ang usapang pang-kapayapaan kung patuloy naman ang pag-atake ng mga rebelde sa mga tropa ng gobyerno.

Binalaan din ni Pangulong Duterte ang kanyang dating propesor na si CPP Founder Jose Maria Sison kung magpupumilit itong umuwi mula Netherlands.

“I’m no longer ready to talk to you. I’ve done it before. Magmukha lang tayong g***. You insult me, I insult you. Para tayong bata, huwag ka lang umuwi dito I promise you, I’ll stop you.” Pahayag ni Duterte.