Pangulong Duterte nagtalaga ng bagong presidential adviser on local extremist groups concern

0
45

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si retiradong military official at dating deputy commander ng Task Force Davao na si Yusop Jimlani bilang bagong presidential adviser on local extremist groups concerns.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Jimlani noong Disyembre 6 pero kahapon lamang ito isinapubliko.

Magkakaroon si Jimlani ng ranggong undersecretary sa ilalim ng Office of the President.

Bago ang appointment bilang adviser, nagsilbi ang dating military official bilang director ng Bases Conversion and Development Authority at naging consultant ni Duterte noong alkalde pa lamang ng Davao City.

Ini-appointment si Jimlani dalawang araw matapos ipag-utos ng pangulo ang paglikha ng isang National Task Force na tatapos sa local communist armed conflict at pag-adopt sa national peace framework.