Home Headlines Pangulo muntik nang mag-walkout dahil sa aberya bago ang SONA

Pangulo muntik nang mag-walkout dahil sa aberya bago ang SONA

0

Muntik nang mag-walkout si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa naging aberya bago ang State of the Nation Address o SONA nito kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III kung saan ay nairita umano ang Pangulo makaraang isabay ang puwersahang pagpapalit ng liderato ng Kamara sa kanyang SONA.

Ayon kay Sotto, hindi nagustuhan ng Pangulo ang nangyari kaya’t nagbiro na lang aniya siya na sa Senado gawin ang SONA para pakalmahin ang sitwasyon.

Samantala, sinabi ng Pangulo ng Senado na kuntento siya sa naging SONA ng Pangulo.

Direkta aniya ang naging mensahe nito at iniwasan ang mga palamuti.

(Ulat ni Cely Bueno)

 

 

Pangulo muntik nang mag-walkout dahil sa aberya bago ang SONA was last modified: July 24th, 2018 by Ralph Obina

Exit mobile version