Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Pangilinan hinimok ang DOF at D.A na maglabas ng P6-B cash compensation sa mga magsasaka

Hinimok ni Sen. Francis Kiko Pangilinan ang Department of Finance (DOF) at Department of Agriculture (D.A) na maglabas ng anim na bilyong pisong cash compensation sa mga magsasaka ngayong buwan.

Ayon kay Pangilinan, ang naturang kumpensasyon ay magsisilbing pamasko ng pamahalaan para sa mga magsasakang naapektuhan ng pagbaha ng imported rice sa bansa.

Giit ng senador, kailangan ng mga magsasaka ngayon ang kumpensasyong ito dahil sa kabuhayan nilang halos malugi dahil sa pag-iral ng Rice Tarrification Law.

Matapos ang anim na buwang pag-iral ng Rice Tariffication Law, bumababa sa halos 16 pesos per kilo ang farm-gate price ng palay mula sa dating 23 pesos per kilo.

Related posts

Isa pang suspek sa ‘Cebu Slay Case’ arestado

Powered by DWIZ

PNP may apela sa pag-uugnay kay Jonas Bueno sa Silawan case

Powered by DWIZ

Isang mambabatas hinikayat na maglatag ng food security plan ang pamahalaan

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More